Mga opisyal iba-iba ang sinasabi ukol sa ICC kaya nakakalito: NUPL president | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga opisyal iba-iba ang sinasabi ukol sa ICC kaya nakakalito: NUPL president

Mga opisyal iba-iba ang sinasabi ukol sa ICC kaya nakakalito: NUPL president

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 14, 2023 12:33 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Iba-iba ang ang mga pahayag ng mga opisyal ng gobyerno ukol sa pagbasura ng International Criminal Court prosecutor sa mga argumento ng Pilipinas ukol sa drug war kaya nakakalito sa publiko, ayon sa isang grupo.

Ayon kay National Union of People's Lawyers president Rey Cortez, sabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Justice Secretary Boying Remulla ay hindi na sila makikipag-usap sa ICC, pero si Solictor General Menardo Guevarra ang sumasagot sa appeals chamber nito.

"Sending wrong signals" at hindi synchronized umano ang pahayag ng mga nakakataas na opisyal kaya payo ni Cortez, isa lang dapat ang magsalita at si Guevarra iyon.

Aniya, walang masyadong experience sa ICC si Guevarra at ang prosecutor ng ICC na si Karim Khan ay bihasa na.

ADVERTISEMENT

Pabor naman ang NUPL sa pagbasura ng ICC prosecutor sa mga argumento ng Pilipinas sa apela nitong suspendihin ang probe sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tama umano ang ICC pre-trial chamber na ang investigation na ginagawa ng gobyerno para malutas ang mga pagpatay sa drug war ay hindi sapat.

Ang iniimbestigahan ay mga low ranking officer umano noong drug war, pero hindi ang high ranking officer, kabilang si Duterte, ay hindi kasama. -Pasada sa TeleRadyo, Abril 13, 2023

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.