Tensyon pagitan ng Pilipinas, China pinapalaki lang: Cagayan governor | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tensyon pagitan ng Pilipinas, China pinapalaki lang: Cagayan governor

Tensyon pagitan ng Pilipinas, China pinapalaki lang: Cagayan governor

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Pinapalaki lang umano ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaya magkakaroon ng paglobo ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas, ayon sa governor ng Cagayan province.

Ayon kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, pinalaki lang ang insidente kung saan tinutukan ng China Coast Guard ng laser ang isang barko ng Philippine Coast Guard noong Pebrero.

Isa ito sa mga dahilan kaya nape-pressure ang Pilipinas na payagan ang mga Amerikano na makakuha pa ng access sa ibang military base sa bansa, ani Mamba.

Kamakailan, napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos na pabilisin pa ang pagpapatupad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pamamagitan ng pagtatatag ng 4 na karagdagang EDCA sites sa bansa.

ADVERTISEMENT

Dalawa sa mga site na ito ay nasa Cagayan province.

Ani Mamba, hindi siya pa rin pabor sa pagtatayo ng EDCA sites dahil walang maidudulot na kabutihan sa bansa o probinsya ang mga site.

Baka umano din mawala ang investments ng mga Chinese sa Cagayan kapag nagkataon.

Aniya, ipinapaubaya niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang desisyon ukol sa EDCA sites, pero tututulan pa rin niya ito.

Ayon sa Malacañang, depensa ng bansa sa eastern seaboard ang pangunahing layunin ng mga dagdag na EDCA site.

Kapwa nilinaw ng Palasyo at US Department of Defense na hindi intensiyon ng Amerika na magtayo ng mga bagong base-militar sa Pilipinas.—Pasada sa TeleRadyo, Abril 4, 2023

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.