PatrolPH

Lalaking umamin sa ‘basag-kotse’ modus timbog sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2022 06:33 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Kulong ang abot ng isang 58-anyos na suspek matapos umanong tumangay ng P50,000 mula sa isang sasakyan na kaniyang binasag sa Valenzuela City.

Ayon sa mga awtoridad nitong Huwebes, tinarget niya ang kotse
ng isang kagawad na nakatigil sa Barangay Parada.

Dito nang binasag ng suspek ang kaliwang salamin ng kotse at tinangay ang P50,000 at mga gamit ng biktima kasama ang ilang ID. Nahagip umano sa CCTV ang krimen.

Nahuli ang suspek at narekober sa kanya ang mga ID ng biktima at ilang kagamitan, pero hindi na nila nakuha ang natangay na pera dahil pinambayad na ito umano ng suspek sa kaniyang mga utang.

Umamin na umano ang suspek na nahaharap sa kasong theft.—Ulat ni Mico Abarro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.