Pulis na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan, arestado sa Laguna | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan, arestado sa Laguna

Pulis na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan, arestado sa Laguna

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Timbog ang isang miyembro ng Police Security and Protection Group matapos mahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan sa Calamba, Laguna.

Batay sa paunang impormasyon mula sa Integrity Monitoring and Surveillance Group Region 4-a, may ranggo na Police Chief Master Sergeant ang aktibong pulis na kanilang inaresto.

Nakatanggap muna sila ng impormasyon na gumagamit ng nakaw na sasakyan ang pulis. Dun sila nagkasa ng joint operation kasama ang PNP Highway Patrol Group, kung saang nahuli sa akto ang pulis na minamaneho ang isang silver na AUV.

Napag-alaman sa database ng HPG na unang naiulat na nawala ang nasabing sasakyan sa Scout Borromeo, Barangay South Triangle Quezon City noong 2012. Bukod pa sa nakaw ang sasakyan, maling plaka rin ang nakalagay dito.

ADVERTISEMENT

Hiningan ng mga kaukulang dokumento ang pulis bilang patunay na binili niya ang sasakyan sa ibang tao pero wala siyang naipakita.

Muling pinaaalahanan ng IMEG ang lahat ng pulis na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagbenta ng mga nakaw na sasakyan, o kayay mga sasakyan na nakumpiska o narecover mula sa isang operasyon.

Mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang nasabing pulis.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.