2 kumakandidatong mayor ng Marikina, 'di dumalo sa pirmahan ng peace covenant | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 kumakandidatong mayor ng Marikina, 'di dumalo sa pirmahan ng peace covenant

2 kumakandidatong mayor ng Marikina, 'di dumalo sa pirmahan ng peace covenant

Mico Abarro,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA -- Hindi dumalo sa pirmahan ng peace covenant ngayong Biyernes ng umaga ang dalawang kumakandidato bilang mayor sa lungsod ng Marikina.

Parehong hindi dumalo sa event na ginanap sa Marikina Legislative Building ang nakaupong mayor na si Marcelino Teodoro at ang kanyang kalaban na si Bayani Fernando.

Hindi rin sila nagpakita sa misa at unity walk na ginanap bago ang peace covenant signing.

Ayon sa lokal na sangay ng Commission on Elections, pareho silang imbitado sa event, pero nagkaroon ng sariling lakad si Teodoro sa parehas na oras.

ADVERTISEMENT

Wala namang nakuhang feedback ang Comelec sa kampo ni Fernando.

Pero aminado din ang komisyon na kamakailan lang din nila inorganisa ang event para sa unang araw ng pangangampanya ng mga lokal na opisyal.

Sinubukan na ng ABS-CBN News na hingin ang komento ng mga kampo nina Teodoro at Fernando.

Nais ni Teodoro na manalo ng kanyang ikatlong termino bilang alkalde ng Marikina ngayong Mayo. Si Fernando naman ay naging punong-lungsod din ng lugar mula 1992 hanggang 2001.

Dati nang nagkaalitan ang dalawang pulitiko nang mag-file ng kaso si Teodoro laban sa isang reclamation project na gawa ng kumpanya ni Fernando sa Marikina River.

Itinuro ni Teodoro ang naturang project bilang dahilan ng matinding pagbaha sa lungsod nang tumama ang bagyong Ulysses noong 2020.

Itinanggi ni Fernando ang mga alegasyon.

--TeleRadyo, 25 March 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.