Hiling ng NTF sa overseas Pinoys: Ipagpaliban muna paguwi sa gitna ng COVID-19 surge | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hiling ng NTF sa overseas Pinoys: Ipagpaliban muna paguwi sa gitna ng COVID-19 surge

Hiling ng NTF sa overseas Pinoys: Ipagpaliban muna paguwi sa gitna ng COVID-19 surge

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Umapela ang tagapagsalita ng National Task Force on COVID-19 sa mga Pilipino abroad na nais umuwi sa bansa na ipagpaliban na muna ang kanilang plano para makatulong sa hakbang ng gobyerno na mapababa ang bilang ng mga kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Ito'y matapos bawiin ng gobyerno ang kautusan na mga overseas Filipino workers lamang ang maaaring pumasok sa bansa sa loob ng isang buwan dahil sa pagsirit ng mga kaso. Sa paglilinaw Biyernes, sinabing lahat ng Pilipino mula ibang bansa ay maaari nang pumasok, pero hanggang 1,500 lang kada araw ang pwedeng tanggapin.

“Sa mga Pilipinong pauwi, kung ‘di na maiiwasan na kailangan kayong umuwi, 'yan po ay mapapasailalim na sa poder ng Commissioner of Immigration na maaring payagan o hindi basta sang-ayon doon sa mga lumabas na mga orders,” sabi ni NTF spokesman Restituto Padilla.

Sa panayam sa TeleRadyo nitong Biyernes, inabisuhan din niya ang mga papauwi sa bansa na mag-check din muna sa website ng Bureau of Immigration.

ADVERTISEMENT

“Maganda po check niyo website ng Bureau of Immigration pero kung pwede pa kayong manatili kasama ang inyong anak at hindi naman kayo nagmamadaling umuwi, ang ating abiso ay ipagpaliban n’yo na lang po 'yung pagbiyahe para makatulong sa ginagawa nating hakbang para mapigilan 'yung pagpasok ng new variants,” sabi ni Padilla.

Wala naman aniyang makakapigil sa mga Pilipinong nais na umuwi ng bansa basta’t ito aniya ay naaayon sa ipinatutupad na protocols ng immigration.

Pansamantalang isasara ng Pilipinas ang borders nito sa mga dayuhan simula Marso 22 hanggang Abril 21, bilang isa sa mga tugon sa biglang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 at ang pagdami na rin ng impeksiyong dulot ng mga bagong variant.

Sa ilalim ng kautusan, maaari namang pumasok ang mga seaman, kabilang ang mga dayuhan na may seafarer's visa.

"Ang panibagong revision doon sa unang inilabas na guidelines ay ang pagpapahintulot ngayon sa lahat ng mga maglalayag, Pilipino man o foreigner basta may hawak na seafarer's visa. Pwede na silang magpatuloy ng kanilang biyahe papuntang Pilipinas basta ito ay kasama sa kanilang gagawin na crew change na tinatawag sa green lane na protocol na ating isinaad at ginawa noong nakaraang taon para patuloy ang pagpapalitan ng mga tao, o crew ng isang barko,” paliwanag niya.

Naisama rin aniya sa revision ang exemption sa lahat ng mga asawa o anak ng mga Pilipino na kasama nilang bumibiyahe pabalik ng bansa basta mayroon silang valid visa.

“Wala pa ring pagbabago sa foreign nationals. Nakalagay pa rin sa guidelines na maliban lang sa medical emergencies na endorso ng DFA at ng OWWA, wala pang foreign national na maaring pumunta dito maliban lang kung sila ay asawa o anak ng isang Pilipinong pabalik na po dito at may hawak na valid na visa,” saad niya.

Kasama din sa memo ang pagkakaroon ng 1,500 kada araw na limit para sa international inbound passengers sa Ninoy Aquino International Airport.

Nitong Huwebes, nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang 640,984 na kaso ng COVID-19, kabilang na ang higit 66,000 active cases.

“Ang pinakamainam na panangga natin sa pagkakaroon ng COVID-19 ay ang striktong pagsunod pa rin sa health protocols, maging nandito tayo sa Pilipinas, sa ibang bansa, o habang nagbibiyahe,” sabi ni Padilla.

- TeleRadyo 19 Marso 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.