Mga siklista nag-vigil sa pagkasawi ng 2 bikers sa Pasay | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga siklista nag-vigil sa pagkasawi ng 2 bikers sa Pasay

Mga siklista nag-vigil sa pagkasawi ng 2 bikers sa Pasay

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 17, 2022 12:16 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Nagsagawa ng vigil ang daan-daang siklista para sa 2 bikers na nasagasaan ng isang van sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Dead on the spot ang isa sa mga siklista matapos pumailalim sa van Miyerkoles ng umaga. Itinakbo naman sa ospital ang isa pang biktima pero binawian din ng buhay.

Base sa imbestigasyon, nagpapahinga ang mga biktima sa kanto ng Seaside Boulevard nang mangyari ang insidente.

Napag-alamang walang lisensiya ang 19 anyos na driver at napatunayang lango sa alak matapos sumailalim sa field sobriety test at alcohol breath analyzer test.

ADVERTISEMENT

Batay sa pagsusuring ginawa, nasa 0.184 porsiyento ang resulta ng alcohol breath analyzer test ng driver. Malayo ito sa limit na 0.05 porsiyento para sa mga non-professional driver's license holders.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver at nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, damage to property, at paglabag sa Republic Act 10586 o Anti-Drug and and Drugged Driving Act of 2013.

Padadalhan din ng show cause order ang may-ari ng van upang magpaliwanag sa LTO.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.