PatrolPH

2 siklista patay nang mabangga ng van ng lasing na 18 anyos

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2022 05:29 PM

Patay ang 2 siklista matapos mabangga ng isang van sa Pasay City nitong umaga ng Miyerkoles.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga sa may bangketa sa Seaside Boulevard ang mga biktima nang biglang mag-U turn ang isang van at sumalpok sa kanila.

Dead on the spot ang isa sa mga siklista matapos pumailalim sa van.

Itinakbo naman sa ospital ang isa pang biktima pero binawian din ng buhay.

Ayon sa pulisya, lasing at walang lisensiya ang 18 anyos na driver ng van, na mahaharap sa patong-patong na kaso.

— Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.