PatrolPH

Calapan City naghahanda sa posibleng pagpasok ng oil spill

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2023 10:55 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Naghahanda na ang lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro sa posibleng pagpasok ng oil spill sa karagatan nito.

Ayon kay Calapan City Mayor Marilou Morillo, hindi pa apektado ang lungsod sa nangyaring oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero.

Pero mayroon na umanong preventive plans ang Calapan at maraming volunteers sa paghahanda sa posibleng apekto ng oil spill. Ani Morillo, may mga rumoronda sa dagat na nakapalibot sa lungsod upan tingnan ang sitwasyon.

Dagdag niya, naghanda ng mga floater ang LGU upang harangin ang posibleng pagkalat ng langis.

Members of Bantag Dagat clean up the shore affected by an oil spill in Barangay Tagumpay, Pola, Oriental Mindoro on March 2,2023. Russel Tan, Pola Oriental Mindoro Official Page
Members of Bantag Dagat clean up the shore affected by an oil spill in Barangay Tagumpay, Pola, Oriental Mindoro on March 2,2023. Russel Tan, Pola Oriental Mindoro Official Page

Nagtutulong-tulong din umano ang mga residente at kumunsulta na rin sila sa mga eksperto kaugnay ng oil spill.

Ani Morillo, ang tanging pinangangambahan nila ay kung magkaroon ng habagat at alunin ang langis papunta sa lungsod. - SRO, TeleRadyo, Marso 14, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.