PatrolPH

Oil spill namataan na sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2023 03:49 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - May namataan nang oil spill sa isla ng Palawan, ayon sa isang opisyal nitong Biyernes. 

Ayon kay Christian Jay Cojamco, Palawan public information officer, nakita ang naturang langis sa coastline ng bayan ng Taytay.

Kumuha na sila ng sample para makumpirma kung galing ito sa barkong lumubog sa Oriental Mindoro na nagdulot ng oil spill sa naturang probinsya.

Ani Cojamco, gusto nila makasiguro kung galing talaga ito sa lumubog na oil tanker.

Sa inilabas na trajectory model ng UP Marine Institute, pababa ang alon at posibleng umabot sa northern Palawan ang oil spill galing Oriental Mindoro.

Nakahanda na ang emergency operations center ng mga MDRRMO sa northern palawan.

Pinabulaanan naman ni Cojamco ang mga ulat na may oil spill na din sa bayan ng Cuyo. Sinabi niya na fake news ito.

Aniya, malaking banta ang oil slick sa turismo ng Palawan, lalo na sa mga mangingisda.

Giit niya, mas magandang pro-active ang paglilinis ng oil spill para maiwasan na dumating ito sa Palawan. -SRO, TeleRadyo, Marso 10, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.