P680,000 halaga ng 'shabu', nasabat sa Recto; 3 timbog

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2021 06:32 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nasa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa 3 suspek sa isang buy-bust operation sa Recto Avenue, Maynila nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, nagkasa sila ng naturang operasyon laban sa 3 suspek, kabilang ang isang babae. Nasa 13 sachet ng shabu umano ang nahuli mula sa mga suspek.

Dayo umano lahat ang mga suspek, na taga-Makati at Caloocan City.

Ayon sa pulisya, dumadayo sila para magsuplay ng ilegal na droga sa Recto at mga kalapit nitong lugar. 

Kasong pagbebenta ng ilegal na droga na walang piyansa ang haharaping kaso ng isa sa kanila habang possession of dangerous drugs naman ang isinampang kaso laban sa dalawa niyang kasamahan.--Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.