7 suspek sa pagkamatay ni John Matthew Salilig nakadetine na sa Laguna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7 suspek sa pagkamatay ni John Matthew Salilig nakadetine na sa Laguna

7 suspek sa pagkamatay ni John Matthew Salilig nakadetine na sa Laguna

Champ de Lunas,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Pito na sa mga diumano’y suspek sa pagkamatay ni John Matthew Salilig ang inaresto at naka-detine na sa PNP custodial facility sa Binan, Laguna.

Anim sa kanila ang nauna nang inimbitahan bilang persons of interest at kasama na ngayon sa mga inaresto ang tatay ng isa sa mga miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity dahil sa obstruction of justice ng subukan nitong pigilan ang operasyon ng police sa kanilang bahay sa bisa ng search warrant.

Naunang inimbitahan sa presinto ang mga persons of interest para sa ilang clarificatory questions kaugnay sa imbestigasyon hanggang lumutang ang isa ring biktima at pinagtuturo ang mga suspek na mga sangkot umano sa pag-hazing sa kanila at naging sanhi ng pagkamatay ni Salilig.

Hindi na nabilang ng biktima kung ilang beses siya pinalo at mahigit isang linggo siyang hindi nakalakad dahil sa mga palo.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Binan acting chief of police P/Lt. Col. Virgilio M. Jopia, tatlo ang naging opsyon ng fraternity: una ay iwanan sa ospital ang biktima ngunit hindi ito pinili dahil mate-trace daw sila at puputok ang sitwasyon.

Pangalawa ay sunugin ang bangkay at pangatlo ay ang kanilang ginawa na ilibing na lamang ito.

Pasado ala una ng madaling araw ngayong Huwebes ay nakabalik sa estasyon ng PNP sa Binan mula sa medical exam ang diumano’y mga suspek.

Tumanggi naman sila na magbigay ng pahayag.

Hawak na ng pulisya bilang ebidensya ang forensic results kagaya ng autopsy, CCTV footage at mga witness.

ADVERTISEMENT

Hindi pa nahahanap ang paddle na ginamit sa krimen ngunit may impormasyon nakuha na ito raw ay sinunog sa isang hindi pa matukoy na lugar.

Hindi pa din nahahanap ang master initiator ng umano'y hazing pero tuloy ang operasyon ng Binan PNP para mahanap pa ang ibang sangkot sa insidente.

Pinuntahan din ng mga awtoridad ang bahay kung saan umano ginawa ang initiation rites kay Salilig at tatlo pa nitong kasama.

Doon ay itinuro ng testigo at tumatayong isa ring nagrereklamo ngayon kung saan sila nakaranas ng hirap sa initiation rites.

Nasa 10 pang persons of interest pa ang tinitingnan ng pulisya na sangkot din umano sa pagkamatay ni Salilig.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.