Transport groups magkakasa ng tigil-pasada | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Transport groups magkakasa ng tigil-pasada

ABS-CBN News
Published Feb 28, 2023 12:58 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Nagbabanta ng paralisasyon ng pampublikong transportasyon ang ilang transport groups kaugnay ng PUV modernization program.

Ilang PUV operators, lalo na ang mga jeepney at UV Express, ay magkakasa ng tigil-pasada para iprotesta ang umano'y hakbang ng Department of Transportation na i-phase out ang mga lumang sasakyan.

Ayon kay Mar Valbuena, chair ng MANIBELA transport group, magka-caravan sila papuntang opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kung saan nila itatambak ang kanilang mga sasakyan nila.

Aniya, matindi ang ibinibigay sa kanila na dagok ng ahensiya dahil hindi na nire-renew ang kanilang mga prangkisa na makapag-operate, para lang sa modernization program.

ADVERTISEMENT
Ani Valbuena, tinuldukan na ng LTFRB ang kabuhayan ng mga PUV driver.

Humihingi siya ng paumanhin sa mga pasahero sa mangyayaring transport strike, at sana maintindihan din umano sila bakit nila ikakasa ito.

"Hindi namin alam kung saan dadalhin ang mga madi-displace na driver... 'yung iba ay mga senior citizen pa," ani Valbuena.
"Walang malinaw na programa kung saan kami dadalhin."

Ayon kay Dindo Rosales, secretary general ng Alyansa Kontra PUV Phase Out, hindi sinasagot ng DOTr ang mga petisyon na ipinadala ng mga transport group.

Aniya, payag sila makipag-usap sa DOTr, kaya lang hindi sila nakakasama at pinapatawag sa pag-uusap.

Paglilinaw nila Valbuena at Rosales, hindi sila tutol sa modernization program. Pero hindi rin umano pwede na walang mabago sa pakikipagusap at aksyon ng DOTr para sa mga PUV driver.

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, gusto niya masaayos ang isyu ng pampublikong transportasyon kaya nanawagan siya na "mag-usap-usap muna".

"Let’s understand what the issues are kasi baka hindi tayo nagkakaintindihan,” ayon kay Bautista.

"“Ang phase out mangyayari yan sa mga areas na halos naimplement na ang modernization program," aniya.—SRO, TeleRadyo, Peb. 27, 2023

Read More:
PUV modernization program
transport groups
DOTr
LTFRB
tigil pasada
Department of Transportation
Land Transportation Franchising and Regulatory Board
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT