PH Coast Guard patuloy na binabantayan ang lumubog motor tanker sa Mindoro para maiwasan ang oil spill | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

PH Coast Guard patuloy na binabantayan ang lumubog motor tanker sa Mindoro para maiwasan ang oil spill

PH Coast Guard patuloy na binabantayan ang lumubog motor tanker sa Mindoro para maiwasan ang oil spill

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patuloy na binabantayan ng Philippine Coast Guard ang lumubog na motor tanker sa Oriental Mindoro para maiwasan ang oil spill.

Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Rear Admiral Armand Balilo, sa kasalukuyan ay tanging diesel oil pa lamang ang nakikita sa lugar, at hindi pa ang industrial o unrefined oil na karga ng tanker.

Ipinaliwanag ni Balilo na mas nakakapaminsala ang unrefined oil kumpara sa diesel na karaniwang ginagamit para mapatakbo ang mga bangka at barko.

Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na ang PCG sa may-ari ng lumubog na motor tanker para maialis na ito sa lugar at masiguro ang integridad ng lalagyan ng karga nitong langis.

ADVERTISEMENT

Nauna nang nailigtas ang 20 tripulante ng MT Princess Empress matapos itong lumubog dahil sa malalakas na alon.

Ayon sa kapitan ng barko na si Lawrence Bongalos, karga nito ang 800,000 litrong industrial fuel oil.

- TeleRadyo, 28 Pebrero 2023

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.