20 nasagip mula sa lumubog na motor tanker sa Or. Mindoro | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
20 nasagip mula sa lumubog na motor tanker sa Or. Mindoro

ABS-CBN News
Published Feb 28, 2023 02:25 PM PHT
|
Updated Feb 28, 2023 05:42 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

(UPDATE) Nasa 20 crew ng motor tanker na MT Princess Empress ang nailigtas matapos nitong lumubog, Martes ng madaling araw.

Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) Romblon Port Manager Joselito Sinocruz, nasagip ng foreign vessel na MV EFES ang mga tripulante matapos lumubog ang tanker malapit sa Tablas Island sa Romblon dahil sa malalaking alon.

Biniberipika ng Philippine Coast Guard ang paunang ulat na nagkaroon ng engine trouble ang naturang sasakyang pandagat dahil umano sa overheating, at tinangay ito papunta sa may Balingawan Point sa Naujan, Oriental Mindoro kung saan ito kasalukuyang nakalubog nang bahagya.

Ayon sa kapitan ng barko na si Lawrence Bongalos, karga nito ang 800,000 litrong industrial fuel oil.

ADVERTISEMENT
“We monitored a spillage of diesel fuel, not industrial fuel oil (cargo). The PCG team is set to install an oil spill boom to control the spillage,” sabi ng PCG.

“The (PCG) received a video from a transiting vessel captured in the waters off Naujan, Oriental Mindoro,” dagdag nito.

Galing sa Bataan ang tanker na patungo sana sa Iloilo.

Ipinadala ng PCG ang kanilang BRP Melchora Aquino at mga tauhan mula sa Marine Environment Protection Unit upang maglatag ng mga pangontra sa oil spill.

— TeleRadyo, 28 Pebrero 2023
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT