Tricycle driver, partner tiklo sa pagbebenta ng umano'y pekeng gamot | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tricycle driver, partner tiklo sa pagbebenta ng umano'y pekeng gamot

Tricycle driver, partner tiklo sa pagbebenta ng umano'y pekeng gamot

Anna Cerezo,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang isang tricycle driver at ang kanyang live-in partner matapos umanong magbenta ng pekeng gamot sa Bay, Laguna.

Base sa report, hinuli ang 2 suspek matapos nila bentahan ang mga pulis na nagpanggap na buyer.

Tatlong kahon ng paracetamol ang kanilang inorder at pinagdududahang peke ang mga ito

Nabigo kasi sila magpakita ng kaukulang dokumento at permit na nagpapatunay na mayroon silang pahintulot na makapag benta ng mga ito.

ADVERTISEMENT

Nakuha rin sa kanila ang anim pang kahon na may 900 capsules at tablets ng ibuprofen, paracetamol, at mga gamot para sa sipon.

May higit 100 banig rin ng Loperamide, antacid, Mefenamic acid, at pain relievers.

Ang mga ito ay dadalhin sa Food and Drug Administration sa Muntinlupa City para sumailalim sa pagsusuri.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.