COVID-19 cases sa Bacolod, tumataas; karamihan asymptomatic o mild | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 cases sa Bacolod, tumataas; karamihan asymptomatic o mild

COVID-19 cases sa Bacolod, tumataas; karamihan asymptomatic o mild

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Bacolod, ayon sa isang opisyal nito.

“So far kahapon po nakapag-register po tayo ng 200 cases. Ngayong araw po lalabas po sa ating medical bulletin ng Department of Health, nakatala po tayo ng 206 cases,” kuwento ni Dr. Chris Sorongon ng Bacolod Emergency Operations Center sa TeleRadyo.

“So for the past 7 days makikita po natin, dito po sa Bacolod City, tumataas po tayo ng mga cases but what’s noteworthy to mention po eh eto pong mga kaso ay halos lahat po asymptomatic and mild,” dagdag pa niya.

Ayon kay Sorongon, karamihan sa mga pasyente ay nasa isolation facility o kaya’y naka-quarantine sa kani-kanilang mga bahay.

ADVERTISEMENT

Pero aniya, patuloy nilang binabantayan ang kanilang hospital capacity utilization rate dahil may mga health workers na rin silang tinatamaan ng COVID-19.

“Sa ngayon po Sir Johnson nasa 44 percent po yung ating hospital capacity utilization rate. Pero amin pong binabantayan yung aming regional hospital, yung Corazon Locsin, kasi po since 2 days ago, marami po sa kanilang healthcare workers ang nagiging positibo sa kanilang surveillance testing,” sabi niya.

“So yesterday, nakapagtanggap na rin po kami ng balita na yung kanilang Department of Obstetrics at Surgery, marami pong residente ang nagpositibo sa COVID-19.

“So that’s why ngayon po, yun iba nilang wards at iba nilang mga departments, tumatanggap lang po ng extreme emergency cases dahil po yung mga doktor natin at mga nurses nasa quarantine dahil po positibo po sila sa COVID-19.”

Sa buong lungsod, higit 60 health workers na ang nagkakasakit ng COVID-19, ayon kay Sorongon.

Sabi ng doktor, patuloy nilang pinaiigting ang kanilang surveillance testing at contact tracing sa lungsod.

“Tuloy-tuloy pa rin po yung ating aggressive surveillance testing, at ang ating contact tracing, that’s why the other day po, yung ating pinakamamahal na alkalde, si Mayor Bing (Leonardia), nag-meeting po sa iba’t ibang mga barangay kapitan, at sa ating miyembro ng (Barangay Health Emergency Response Teams) para maintensify po natin yung prevention, detection, isolation na strategies po natin.”

“Lalo na po ang intensified vaccination,n na yung Bacolod City po ngayong araw, we have already registered 123 percent fully vaccinated. That’s equivalent to almost 480,000 Bacolodnons na nabakunahan na po,” ani Sorongon.

--TeleRadyo, 21 January 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.