Sapul sa CCTV: 3 tiklo sa pagnanakaw sa hardware sa Payatas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sapul sa CCTV: 3 tiklo sa pagnanakaw sa hardware sa Payatas

ABS-CBN News
Published Jan 17, 2023 07:04 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Tatlong lalaki ang tiklo matapos silang mahuli sa video na nagnanakaw sa isang hardware store sa Quezon City.

Nahagip ng CCTV kung paano binuhat ng isa sa mga naarestong lalaki ang isang baterya ng sasakyan sa naturang hardware store sa Payatas.

Tinangay ng suspek na si "Lupin" ang pera ng tindahan na nasa P28,000 ang halaga.

Nasundan pa ang pagnanakaw noong January 10 kung saan mahigit P40,000 halaga ng kagamitan na tinitinda sa hardware ang nakuha ng grupo.

Sa pangatlong pagkakataon, nahuli ng may-ari ng hardware ang mga suspek.

Nagtago pa umano sa kisame ng tindahan si "Lupin" pero naaresto din ito agad nang rumesponde ang mga kawani ng QCPD.

Nahuli ang dalawa pang sangkot umano sa pagnanakaw sa ginawang follow-up operation ng pulisya matapos ituro ang mga ito ni "Lupin".

Aminado si "Lupin" sa ginawang pagnanakaw, ngunit ang dalawa pang suspek, itinanggi na sangkot sila sa ilegal na gawain.

Nahaharap sa kasong robbery ang mga suspek.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News