SAPUL SA CCTV: Lalaking nasa inuman binaril ng 3 suspek | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA CCTV: Lalaking nasa inuman binaril ng 3 suspek

Karen de Guzman,
ABS-CBN News
Published Jan 16, 2024 08:34 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilang suspek sa Barangay 94 sa Pasay City nitong Lunes ng gabi.

Kita sa CCTV kung paano binaril ng dalawang lalaki ang biktima habang nakikipag-inuman kasama ng mga kaibigan.

Matapos ang ilang sandali, dumating naman ang ikatlong shooter na binaril ulit ang biktima.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Ron-ron Uy, 36, matapos magtamo ng sampung tama ng bala sa katawan.

ADVERTISEMENT
Nadamay at tinamaan naman ng bala sa kaliwang balikat ang isa pang lalaki na katabi ni Uy, na nagpapagaling pa ngayon sa ospital.

“Merong birthday celebration na nag-attend itong dalawang biktima and merong tatlo na still unidentified suspect na nagpunta and shoot them,” ayon kay PCol. Mario Mayames, hepe ng Pasay City Police Station.

“Dalawa sila na sabay pumutok. Nagtakbuhan na lahat. Pumunta pa ‘yung last shooter then fininish ‘yung victim,” dagdag ni PCol. Mayames.

Ayon kay Maribel Bacsal, nanay ng kinakasama ng biktima, nagulat na lang sila nang makarinig ng magkakasunod na putok ng baril.

“Kumakain kami. Nakarinig kami ng putok, bumaba kami. Marami, sunod-sunod. Akala nga namin paputok e. Ayun nakita ko ‘yung manugang ko, nakahandusay na," sabi ni Bacsal.

Sa imbestigasyon ng pulisya, may banta na umano sa buhay ng biktima bago pa mangyari ang insidente.

Nagdadalamhati naman ngayon si Maria Luisa Uy, nanay ng biktima, na biglang napaluwas mula pa ng Cavite.

“Mabait po ‘yung anak ko. Walang kaaway ‘yan. Masakit po kasi kacha-chat ko lang d'yan kanina, nagulat na lang ako na ganun ang nangyari. Kaya agad agad kaming lumuwas,” ayon kay Maria.

Nananawagan ng hustisya ang mga kaanak ni Uy.

Patuloy pang tinutugis ng mga pulis ang tatlong suspek na posibleng maharap sa reklamong murder.