Pulis patay sa pamamaril sa Cabuyao, Laguna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis patay sa pamamaril sa Cabuyao, Laguna

Pulis patay sa pamamaril sa Cabuyao, Laguna

ABS-CBN News

Clipboard

Pulis patay sa pamamaril sa Cabuyao, Laguna
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Patay ang isang pulis matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Cabuyao, Laguna Huwebes ng umaga.

Nakasuot pa ng uniporme ang biktimang si Police Staff Sergeant Christian Ramos nang barilin habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Yulo Road sa Barangay Pitland bandang alas-9:40 ng umaga.

Sa ulat ng Cabuyao City Police, nakasakay din ng motorsiklo ang salarin.

Nagtamo ng tama ng bala sa mukha, ulo at dibdib ang biktima. Narekober naman ang 6 na basyo ng bala ng 9mm at tatlong basyo mula sa kalibre .45.

ADVERTISEMENT

Posibleng pauwi si Ramos sa Calaca, Batangas mula sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna kung saan siya nakadestino.

Naka-assign si Ramos sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Calabarzon Police.

Ayon sa pulisya, nag-AWOL si Ramos sa dating poste nito sa Batangas mula Agosto 2020. Na-reinstate siya nitong Disyembre at nailipat sa RPHAS.

May kinakaharap umanong administrative case ang biktima para sa grave neglect of duty at sa apat na buwang pagiging AWOL niya.

Patuloy pang iniimbestigahan ang motibo sa pamamaril.

- TeleRadyo 15 Enero 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.