Mga survivor ng Taal eruption dumalo sa misa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga survivor ng Taal eruption dumalo sa misa

Mga survivor ng Taal eruption dumalo sa misa

ABS-CBN News

Clipboard

Mga survivor ng Taal eruption dumalo sa misa
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isinagawa ang isang misa sa bayan ng San Nicolas sa Batangas bilang paggunita sa unang anibersaryo ng pagputok ng Bulkan Taal.

Dumalo sa misa ang mga residenteng itinuturing mga survivor ng pagputok ng bulkan kasama sina San Nicolas Mayor Lester De Sagun at Governor Mark Leviste.

Dahil sa pandemya, limitado lamang ang pinayagang dumalo sa misa na bilang pasasalamat sa pagkakaligtas sa mga residente. Pasasalamat din ito na muling nakabalik sa kanilang mga bahay ang mga residente at unti-unting nakakabangon mula sa nangyaring kalamidad.

Ang dasal ng mga residente ay sana tuluyan nang manahimik ang bulkang Taal.

ADVERTISEMENT

Matapos ang misa inalala ng mga residente at mga awtoridad ang kanilang pinagdaanang hirap para makaligtas sa makapal na abong bumabagsak at sunod-sunod malakas na lindol noong a-12 ng Enero ng nakaraang taon.

Ang bayan ng San Nicolas ang isa sa mga bayang pinakamalapit sa bulkang Taal at nagtamo ng matinding pinasala.

Bakas pa rin ang mga kalsadang bumitak, lupang bumuka at mga bahay at gusaling napinsala.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang rehabilitasyon sa mga bayang napinsala ng bulkang Taal.

Hindi na rin pinayagan pang makabalik na manirahan sa Pulo o Volcano Island ang mga residente na ngayon ay nasa National Housing Authority relocation site sa Ibaan, Batangas.

- TeleRadyo 12 Enero 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.