Online registration para sa QC Citizen Card, simula na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Online registration para sa QC Citizen Card, simula na

Online registration para sa QC Citizen Card, simula na

ABS-CBN News

Clipboard

Online registration para sa QC Citizen Card, simula na
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Inilunsad ngayong Huwebes ang online registration para sa Quezon City citizen identification card.

Ito ay ID na magagamit ng mga residente sa iba't ibang mga social services ng lungsod tulad na lamang ng QC bus, healthcare at iba pa.

Ito ay ID tulad ng Makatizen card. Unified o all in one card na papalit sa senior citizen, solo parent at PWD ID ng mga taga Quezon City.

Libreng ibibigay ang card para sa mga residenteng 15 years old pataas. Ang mga hindi mabibigyan ng physical ID ay magkakaroon din ng digital version sa app QCitizen.

ADVERTISEMENT

Maaari nang gumawa ng account sa E-Services portal ng local government website.

Sa mga walang internet access, magkakaroon naman ng onsite registration sa bawat barangay na magsisimula sa Barangay Central sa susunod na linggo.

Kailangan lamang na mayroong government-issued ID na nagpapakitang residente ng Quezon City o kaya naman ay barangay certificate.

- TeleRadyo 7 Enero 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.