MMDA chairman Danilo Lim pumanaw na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMDA chairman Danilo Lim pumanaw na

MMDA chairman Danilo Lim pumanaw na

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 06, 2021 07:03 PM PHT

Clipboard

MMDA chairman Danilo Lim pumanaw na
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

(UPDATE) Pumanaw ngayong Miyerkoles si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo "Danny" Lim sa edad na 65.

Cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ni Lim, komplikasyong dala ng COVID-19. Dahil dito, siya ang kauna-unahang miyembro ng Duterte administration na namatay sa respiratory disease.

Nagpositibo si Lim sa COVID-19 noong Disyembre 28 at mula noon, hindi na nakalabas ng ospital.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, 3 araw nasa intensive care unit si Lim.

ADVERTISEMENT

Unang nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya ni Lim ang Malacañang.

Sa magkasunod na pahayag nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, pareho nilang binigyang pugay ang dedikasyon at sipag ng MMDA chairman sa trabaho nito.

Bumuhos din ang pakikiramay sa mga nakasama ni Lim sa gobyerno.

Pinuri ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang serbisyo ni Lim bilang frontliner laban sa COVID-19 nang tumulong ito sa Task Force Against COVID-19.

Kinilala naman ni Communications Secretary Martin Andanar ang propesyonalismo at integridad ni Lim.

Exemplary leader si Lim, ayon naman kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala.

Nagpahatid din ng pakikiramay ang mga mambabatas at miyembro ng Gabinete.

Tubong Solana-Nueva Vizcaya si Lim.

Nasa first year college si Lim sa University of the Philippines nang mag-exam para sa Philippine Military Academy (PMA).

Topnotcher sa PMA exams si Lim at naging bahagi ng Makatarungan Class of 1978.

Pumasok din si Lim sa prestihiyosong United States Military Academy sa West Point at naging topnotcher doon.

Nang maka-graduate sa West Point, bumalik siya ng Pilipinas at naging Scout Ranger.

Nagpa-assign si Lim sa Sulu at 2 beses naging wounded in action.

Nakulong si Lim sa Camp Crame, Quezon City mula 2006 hanggang 2010 dahil sa kasong rebelyon at attempted coup d'etat.

Nabigyan siya ng temporary freedom noong May 31, 2010.

Itinalaga siya bilang pinuno ng MMDA noong Mayo 2017.

Kasa-kasama si Lim sa clearing operations ng MMDA para personal na pangasiwaan ito.

Huling public appearance ni Lim ay Disyembre 23 para sa virtual parade ng Metro Manila Film Festival.

Sa ilalim ng kaniyang liderato, nakuha ng MMDA ang parangal bilang isa sa pinaka-transparent at pinagkakatiwalaang ahensiya ng pamahalaan.

Na-cremate na ang mga labi ni Lim.

Sa Libingan ng mga Bayani ilalagak ang mga labi ni Lim sa Sabado.

Naiwan ni Lim ang kaniyang asawang si Rep. Aloysia Tiongson-Lim at anak na si Aika.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.