P50 pamasahe sa jeep posible - grupo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P50 pamasahe sa jeep posible - grupo
P50 pamasahe sa jeep posible - grupo
ABS-CBN News
Published Jan 03, 2024 08:07 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Posibleng umabot ng P50 ang pamasahe sa jeep kung mapapalitan na ang traditional jeepney ng makabagong PUVs na isinusulong ng gobyerno, ayon sa isang grupo ng commuters.

Ayon kay Commuters of the Philippines chairperson Julius Dalay, malaki ang epekto sa pamasahe ng PUV modernization lalo na't malaki ang magiging amortization para mabili ang mga makabagong jeepney.

"Hindi malabo na mag-P50 at kung mag P50 siyempre aray 'yun. Ano na kaibahan mo sa bus, sa LRT o MRT. Lahat na lang nagtataasan. 'Yun ang masakit sa bulsa lalo na yung jeep na inaasahan ng masa pagdating sa mura," aniya sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

"Wala namang may ayaw na maging modern o bago ang masasakyan mo. Ang question lang ay dapat i-timing, i-phasing."
"Wala namang may ayaw na maging modern o bago ang masasakyan mo. Ang question lang ay dapat i-timing, i-phasing."
ADVERTISEMENT
Dagdag ni Dalay, maaaring lumipat ng trabaho ang ilang mga empleyado kung magiging mahal ang pamasahe sa jeep.

Ang ilan naman ay maaaring magbisikleta na lang o kaya'y maghanap ng trabaho na work-from-home.

Una nang tinanggihan ng gobyerno ang panawagan ng ilang transport group na iatras ang consolidation ng mga prangkisa sa itinakdang deadline noong December 31, 2023.

Tuloy-tuloy naman ang pasada ng mga jeepney, kahit na iyong mga hindi nakapag-consolidate, matapos ang consolidation deadline sa mga PUV.