Mga nag-inuman sa kalsada sa Maynila, timbog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nag-inuman sa kalsada sa Maynila, timbog

Mga nag-inuman sa kalsada sa Maynila, timbog

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 02, 2021 10:41 AM PHT

Clipboard

Mga nag-inuman sa kalsada sa Maynila, timbog
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Sa pagpasok ng bagong taon, may ilan na nag-inuman pa rin sa mga pampublikong lugar sa Maynila kahit na ito'y ipinagbabawal.

Ayon sa paunang ulat ng Manila Police District, nagpatrol ang mga pulis ng Dagonoy Police Community Precinct sa ilang mga kalsada sa Sta. Ana nitong Biyernes para sa anti-criminality operation.

Pagdaan sa Onyx Street, naaktuhan ng mga pulis ang isang grupo ng mga lalaki na nag-iinuman sa sidewalk. Agad nilapitan ng mga pulis ang grupo at hinuli ang anim na lalaki.

Ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa pampublikong lugar sa Maynila. Bukod diyan, hindi rin umano nasunod ang physical distancing at ilan sa mga inaresto ay senior citizen.

ADVERTISEMENT

Sa isa pang lugar sa San Andres Bukid, nahuli rin ang dalawang lalaki na nagiinuman sa gilid ng kalsada. May nahuli ring tatlong lalaki na naninigarilyo sa pampublikong lugar na bawal din base sa ordinansa sa lungsod.

Ipinaalala ng mga pulis na kahit New Year, patuloy pa ring ipinatutupad ang mga ordinansa na bawal ang pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong mga lugar.

- TeleRadyo 2 Enero 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.