Batang naka-uniporme ng pulis, umeksena sa Oplan Galugad | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Batang naka-uniporme ng pulis, umeksena sa Oplan Galugad

ABS-CBN News
Published Jun 24, 2016 11:10 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagsagawa ng Oplan Galugad sa Malate, Manila Huwebes ng gabi, kung saan ilan sa mga nahuli ay hindi na unang beses na madakip.

May mga street dwellers din na ayon sa mga awtoridad ay hindi taga-Maynila kundi sa mga karatig na probinsya.

Sa kalagitnaan naman ng galugad, umeksena ang isang 5-taong-gulang na batang si Ezekiel Paual na naka-suot ng police uniform na umastang bagong deputy commander ng community precinct ng Arellano. Pinayuhan pa niya ang mga nadampot.

Payo ni Ezekiel, "Wag na silang lalabas kasi mahuhuli sila."
Payo ni Ezekiel, "Wag na silang lalabas kasi mahuhuli sila."
ADVERTISEMENT
Ayon sa City Ordinance No. 55-55, babalaan ang mga menor de edad sa unang paglabag. Ibibigay naman sila sa DSWD sa pangalawang paglabag, at huhulihin na ang mga magulang ng mga ito kung umabot na sa pangatlong paglabag.

Ang mga nahuli namang nasa wastong edad ay pagmumultahin ng P50 - P100 at labinlimang araw hanggang anim na buwang pagkakakulong.

Ipinagmamalaki ng PNP na kakaunti na ang mga lumalabag. Karamihan sa kanilang nahuhuli ay hindi taga-Manila.

"Ang mga nakuha natin ay mga taga-Bulacan at mga taga-Laguna. 'Yung mga natutulog sa bangketa," sabi ni C/Insp. Paulito Sabulao, Commander, PCP Arellano.

Ikapitong Oplan Galugad na itong isinagawa sa bahagi ng Malate.
Ernie Manio, ABS-CBN News

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, June 24, 2016
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT