The Correspondents CA Throwback: Naiibang klase ng uod, delicacy sa Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

The Correspondents CA Throwback: Naiibang klase ng uod, delicacy sa Palawan

The Correspondents CA Throwback: Naiibang klase ng uod, delicacy sa Palawan

Sherwin Tinampay,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Matatagpuan sa Puerto Princesa City, Palawan ang pagkaing patok para sa matitibay ang mga sikmura: ang tamilok.

Ang tamilok ay isang uri ng wood worm na nabubuhay sa patay na puno ng mangrove o bakawan.

Itinuturing itong mollusk na kabilang sa pamilya ng talaba at tahong.

Palaisipan hanggang ngayon kung bakit tamilok ang pangalan ng klase ng uod na ito.

ADVERTISEMENT

Tinungo ng ABS-CBN News team sa pangunguna ni Karen Davila ang baryo ng Inagawan kung saan makakakita ng mga bakawan na maraming tamilok.

Ipinakita ng nagtatamilok na si Oliver kung paano ang tamang proseso sa pagkuha ng mga mahaba, madulas at malambot na uod na ito.

Wala pang masusing pag-aaral sa pinanggalingan at kung paano napararami ang tamilok.

Sa kabila nito, hindi maaaring palagpasin na ito'y matikman kung bibisita sa Puerto Princesa City.

Pinaniniwalaan kasi na puno ito ng sustansiya at isa umanong 'aphrodisiac' o mabuti para sa pagtatalik.

"Napakalinis nito at talaga namang wala kang makikita even 'yung fresh na tamilok na nakuha mo, amuyin mo ay wala namang amoy na masasabi natin na parang dangerous sa pagkain, sa ating system. Kung hindi ka sanay, maaaring hindi mo talaga kainin. If you're used to it kapag masimulan mo nang kainin, masarap pala plus mararamdaman mo 'yung epekto sa katawan, maganda, malusog ang pakiramdam mo, malakas ka," sabi ni noo'y Puerto Princesa City Environment and Natural Resources Director Rogelio Dacer.

Panoorin ang proseso sa pagkuha ng mga tamilok at kung bakit ito binabalik-balikan ng ilan nating mga kababayan sa dokumentaryo ng programang 'The Correspondents' na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong 2006.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.