KBYN: Kilalanin ang mga kababayan nating 'walang pahinga' sa pagtatrabaho | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Kilalanin ang mga kababayan nating 'walang pahinga' sa pagtatrabaho

ABS-CBN News
Published Nov 06, 2022 07:04 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Higit sa tatlo ang hanapbuhay ng dalawang kababayan natin na halos walang pahinga sa pagtatrabaho may maibigay lamang sa pamilya.

Sa edad na 55 taong gulang, bukod sa trabaho bilang isang company driver, nagkukumpuni ng sirang kagamitan, rumaraket na electrician at kung minsan nagtutubero at nagkakarpintero si Gary Calangi.

Kapag walang tawag para magpagawa, mag di-display naman siya at ang kaniyang partner ng ukay-ukay na mga lumang damit, bag at sapatos sa harapan ng kanilang bahay para ibenta.

Wala siyang sinasayang na sandali lalo’t ito lang ang nakikita niyang paraan para maging sapat ang kita sa kanilang mga pangangailangan.

ADVERTISEMENT
"Unang-una 'yung pangangailangan ng anak ko pang tuition, baon, gamot ni misis maintenance, tsaka 'yung pang araw-araw. Actually sa akin dapat may gamot din ako. Meron akong sakit sa kidney pero hindi ko pinapansin sabi ko kaya ko pa naman priority ko muna 'yung pamilya ko bago ako," kuwento ni Calangi sa KBYN.

Sa kabila ng dami ng pinapasukang hanapbuhay, kinakapos pa rin siya kung kaya't minsan na rin daw nitong naisip wakasan ang buhay.

"Nakaranas po kami na 'yung pagkain namin is dalawang beses na lang sa isang araw. Kung minsan nga po lugaw lugaw na lang. Sabi ko sa kaniya huwag kang mag-isip ng ganiyan kasi may mga paraan pa naman nandiyan si Lord, puwede nating lapitan sa mga nangyayari sa atin, sabi ko nandiyan pa ako tsaka 'yung mga anak mo," kuwento ng partner ni Calangi na si Grace Melgarejo.

Hindi naman hadlang para 56 taong gulang at single father na si Cerdenio 'Nono' Ramirez ang kawalan ng dalawang binti para kumayod ng todo sa kanilang lugar sa gabaldon, Nueva Ecija.

Pagtatabas ng damo sa bukid, pagtatanim ng kamoteng kahoy o pakwan, pananahi at pagguguwardiya naman ang kaniyang niraratsadang hanapbuhay para sa mga anak.

"Kapag po pinagsama-sama ko po medyo sapat lang po kasi mga nag-aaral po sila. Sinusuportahan ko po lahat," pagbabahagi ni Ramirez.

Marami ang natutuwa kay Ramirez dahil sa kabila ng kaniyang kalagayan ay nagagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin lalo na ang maging isang padre de pamilya.

Dahil dito marami ang tumutulong sa kaniya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng mga raket.

Ang kuwento ng mga haligi ng tahanan na gaya nina Calangi at Ramirez ay sadyang nakabibilib at maaaring maging inspirasyon ng ating mga kababayan na gagawa at gagawa ng paraan sa ngalan ng pamilya.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Trabaho
Hanapbuhay
Gabaldon
Nueva Ecija
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT