KBYN: Guro higit isang dekada nang nagtuturo sa mga batang kalye | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

KBYN: Guro higit isang dekada nang nagtuturo sa mga batang kalye

KBYN: Guro higit isang dekada nang nagtuturo sa mga batang kalye

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Labing apat na taon nang nagtuturo sa mga batang kalye sa iba't ibang lansangan ang guro na si Alejandro Balaguer o mas kilala ng kaniyang mga estudyante bilang 'Teacher Ace.'

Sa mahabang panahong ito, iba't ibang lansangan na rin ang napuntahan niya para makapagturo.

"Ewan ko saan nanggagaling, tingin ko sa Diyos 'yun na ito mapagsilbihan ko sila, habang nandito ako sa kalye," pagbabahagi niya sa KBYN.

Bahagi si Balaguer ng non-government organization o NGO na Child Hope Philippines na nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga kabataan mula sa mga nakakalap na donasyon.

ADVERTISEMENT

Ang kanilang paraan ng pagtuturo ay kinikilala ng Department of Education o DepEd sa ilalim ng Alternative Learning System o ALS.

"Libre po itong binibigay namin, wala po itong bayad. Para sa akin itong misyon na 'to, niyakap po para mahalin sila, sa pagtuturo," ani Balaguer.

Hindi lamang pagtuturo ng mga bagong kaalaman para sa mga bata ang ginagawa ng grupo nina Balaguer.

Inaakay rin nila sa kabutihan ang mga kabataang naliligaw ng landas gaya ng mga batang gumagamit ng solvent at mga batang ina.

Malapit sa puso ni Balaguer ang kaniyang ginagawa dahil minsan rin siyang naging tambay sa kalye.

"Noong bata po ako napabayaan din ako, naulila, maagang nawalan ng ama. Sinasabihan ako ng nanay ko na mag-aral, paulit-ulit, para siyang sirang plaka. Kung hindi ako nakinig sa kaniya, wala siguro si Tatay Ace na tutulong sa mga batang kalye na narito," pagbabahagi niya.

Sa patuloy na paggabay ng mga gurong gaya ni Balaguer sa mga batang kalye na magsumikap sa pag-aaral sa gitna ng kahirapan, umiwas sa bisyo at lumaban sa hamon ng buhay, tiyak na magagabayan sila tungo sa landas ng kabutihan.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.