'Good samaritan' na jeepney driver, nag-viral | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Good samaritan' na jeepney driver, nag-viral

ABS-CBN News
Published Aug 16, 2022 06:46 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang jeepney driver matapos i-post ng netizen ang retrato kung saan nakapaskil sa likuran ng upuan ng driver ang mga presyo ng pamasahe.

Nakasulat sa ibaba nito ang mga katagang, "Para sa mga walang wala, TY o thank you lang OK na." Ibig sabihin ng paskil ay libre na sa pasahe ang mga taong salat sa pamumuhay at sapat nang magpasalamat na lamang ang mga ito.

Umani ito ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizen.

Ang jeepney driver sa viral post na ito ay ang 62-anyos na si Michael Kimuell mula Tondo, Maynila. Naisipan niya umanong gawin ito buhat nang tumaas ang presyo ng pamasahe sa jeep nitong Hunyo.

ADVERTISEMENT
" ’Yung huling huli pumasok sa isipan ko para naman sa mga taong walang pera may pambayad o wala, thank you na lang ’yung [ibayad] mo ... Ang pumapasok kasi sa’kin ’yung pasasalamat kasama dapat sa buhay ng tao ’yan e," aniya.

Tatlumpung taon nang tinataguyod ni Kimuell ang kaniyang pamilya sa pamamasada.

Kumikita siya ng P400 hanggang P500 kada araw sa pamamasada mula alas 7 ng umaga hanggang ala 1 ng hapon dahil kailangan niya pang alagaan ang kaniyang asawa na limang buwan nang may stroke.

"Sabi nga ng mga sister ko proud daw sila sa’kin dahil sa kabila ng nararanasan ko ring kakulangan, salat, nakakagawa pa rin ako ng maganda sa kapwa ... Bumabalik din naman ’yun e. Kaya ’pag nagdarasal ako, puro thank you lang din ginagawa ko," aniya.

Hanga naman sa kanya ang mga kapawa niyang jeepney driver.

"Na-inspire ako ... Kahit na walang wala din siya nakapagbigay siya du’n sa pasahero," ani Martin Mabborang, na kapwa tsuper.

Ayon sa mga netizen, bihira na ang katulad niya at dapat maging huwaran ng iba pang tsuper, ngunit para kay Kimuell, maliit na bagay lamang ang kaniyang ginagawa lalo't nasa hanay sila ng public service.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News