ABS-CBN newsroom, binuksan para sa mga estudyante | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ABS-CBN newsroom, binuksan para sa mga estudyante

ABS-CBN News
Published May 30, 2017 11:21 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 taon ng TV Patrol, binahaginan ng kaalaman sa pagbabalita ang mga estudyante ng journalism at broadcasting.

Ito ay upang maging komportable sila kapag sila na ang nasa newsroom, kung saan nagpapakete ng balita -- mula sa pagkalap, pagsalansan, at pag-edit ng mga balita.

Inilibot muna ang mga estudyante sa ABS-CBN at ipinakilala sa kanila ang mga programang tumatak na sa mga manonood, bago sila pinapasok sa bulwagang pambalitaan ng TV Patrol.

Nagmistulang isang instant extension ng classroom ang newsroom.
Nagmistulang isang instant extension ng classroom ang newsroom.
ADVERTISEMENT
Nakasalamuha din nila ang ilan sa mga reporter ng TV Patrol, at nakita rin nila kung paanong aktuwal na sumahimpapawid ang nasabing programa.

Nagkaroon din ng pagkakataong subukang mag-report ang mga estudyante. Nagbasa sila ng mga script ng balita mula sa isang prompter.

Sa huli, nagkaroon ng pagkakataong kumuha ng retrato ang mga estudyante kasama sina Gretchen Fullido, Ted Failon, at Bernadette Sembrano.

-- Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT