Mga pampaswerte mabenta na para sa Chinese New Year | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pampaswerte mabenta na para sa Chinese New Year

ABS-CBN News
Published Jan 19, 2023 07:23 AM PHT
|
Updated Jan 19, 2023 10:24 AM PHT
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Mga pampaswerte mabenta na sa Binondo, ang isa sa pinakamatandang Chinatown sa buong mundo.

Ilang araw bago ang Chinese New Year, patok na sa mga mamimili dito ang tikoy. Dahil malagkit ito, paniwala ng mga Filipino-Chinese, didikit ang swerte sa mga kakain nito.

Mabenta din ang mooncakes at hopia na pinaniniwalaan naman na magbibigay ng kasaganaan.

Kaliwa't kanan din ang mga lucky charms para sa papasok na Year of the rabbit at syempre ang lucky color na gold.
Kaliwa't kanan din ang mga lucky charms para sa papasok na Year of the rabbit at syempre ang lucky color na gold.
ADVERTISEMENT
Meron ding iba't ibang klase ng beads na kumakatawan para sa good health, love life, pera, pamilya at edukasyon

Hindi mawawala ang sari-saring laki at disenyo ng mga Buddha.

May mga prutas din na bilog at iba pa na kasama sa kulturang Tsinoy na hanggang sa ngayon ay pinaniniwalaang nagdadala ng swerte tuwing Chinese New Year.

Nagpaalala naman ang isang feng shui expert na ang mga pampaswerteng bagay ay gabay lamang sa buhay, mas mainam pa rin ang pananalangin at pagsisikap na subok raw na pinakamabisang lucky charm.

"Kung last year may giyera, baka this year pwede na mapagusapan o may makuhang diplomacy, mas magiging kalmado ang mundo. Tapos scholastic, students will benefit this year ... it will be easy for them to study," ani Anthony Fugoso, eksperto sa feng shui.

Bukod sa inaabangan na dragon dance at fireworks, makulay din ang food festival tuwing Chinese New Year at magsisimula na iyan dito sa Binondo ngayong Huwebes.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News