KBYN: Ina na may stage 3 cancer pinaghimalaan umano ng Poong Itim na Nazareno | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Ina na may stage 3 cancer pinaghimalaan umano ng Poong Itim na Nazareno

KBYN: Ina na may stage 3 cancer pinaghimalaan umano ng Poong Itim na Nazareno

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Pinaghimalaan umano ng Poong Itim na Nazareno ang 63 taong gulang na si Nanay Myrna Noveda.

Taong 2020 nang ma-diagnose na may stage 3 endometrial cancer si Noveda.

Para maagapaan ang sakit, kinakailangan nitong maoperahan agad ngunit hirap silang makakuha ng schedule para sa operasyon nito.

"Dinadalangin ko po talaga noon na magkaroon ng schedule si Nanay. Ang takot ko po si baka kumalat na. Hindi na po namin maagapan," kuwento ng kaniyang anak na si Aileen kay Kabayan Noli de Castro.

ADVERTISEMENT

Halos tatlong buwan ding naghintay ang pamilya Noveda para ma-operahan.

Sa araw ng selebrasyon ng Poong Itim na Nazareno noong 2021, nakatanggap ng tawag si Aileen kahit na nakapatay ang signal sa lugar.

"Bigla pong nagring 'yung phone ko. Noong sinagot ko, 'yung doktor. Ang sabi, 'Kanina pa kita kino-contact.' Nasa Quiapo po kami. Feast day. Pinapatay po kasi ang signal. Ang sabi ng doktor, 'Eh bakit kita nacontact?,'" kuwento niya.

Dahil sa ibayong pagdadasal ng pamilya, matagumpay na nakakuha ng schedule para ma-operahan si Noveda noong Pista ng Nazareno ng 2021.

Sa araw ng operasyon, bitbit nito ang isang larawan ng poon.

"Sabi ko sa Kaniya, 'Ama bahala ka na kung anong gagawin sa akin kasi hindi ko naman alam kung anong sakit ko. Bigyan mo na lang ang mga doktor ng magagaling na kamay. Gabayan Mo sila,'" pagbabahagi ni Noveda.

Naging matagumpay ang kaniyang operasyon at ngayon ay cancer-free na.

Panoorin ang kabuuan ng pagiging deboto ng pamilya Noveda at ang pananalig ng mga Pilipino sa Nazareno sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.