PatrolPH

'La Vida Lena' cast tampok sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2021 01:46 PM

Watch more on iWantTFC

Bumisita sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo ang cast ng seryeng "La Vida Lena."

Tumapak sa entablado ng noontime concert show sina Erich Gonzales, JC de Vera, Kit Thompson, Raymond Bagatsing, Danica Ontengco, Renshi de Guzman at Josh Ivan Morales para i-promote ang serye.

Kasabay nito, inawit ni Regine Velasquez ang theme song ng serye na "Kailangan Kita," isang OPM classic na likha ng kaniyang mister na si Ogie Alcasid.

Sinusundan ng "La Vida Lena" ang kuwento ng paghihiganti ng isang babaeng (Gonzales) inapi ng isang mayamang pamilya.

Mapapanood ang "La Vida Lena" simula Hunyo 28, alas-10 ng gbai sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.