Bangkay ng babae na hindi umano naaagnas, usap-usapan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangkay ng babae na hindi umano naaagnas, usap-usapan

Bangkay ng babae na hindi umano naaagnas, usap-usapan

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Usap-usapan ngayon sa Roxas City ang bangkay ng isang babae na hindi umano naaagnas matapos mailibing 10 taon na ang nakaraan.

Ikinagulat ng pamilya Dorado nang ipahukay nila ang bangkay ng 74-anyos nilang lola na si Griselda.

Balak kasi ng pamilya na isasama ang kaniyang bangkay sa sementeryo ng namayapa niyang anak.

“Kahit ako mismo, pag-open niya ng casket nagulat ako mismo kasi yung glass niya sira na tapos yung upper ng gasket sira na. So bakit ganun, buo pa?” tanong ng apo ni Griselda na si Robert Dorado.

ADVERTISEMENT

Setyembre 27, 2008 nang mamatay si Griselda dahil sa cardiopulmonary arrest.

“Kung ano ang itsura niya paglibing, ganun din pa din. Pero dumating dito ang kinis-kinis ng mukha niya,” sabi ng kaniyang anak nasi Marie Suzzette Dorado.

Marami ang na-intriga pero para sa pamilya himala ito kaya gusto nilang maging santa si lola Griselda.

“If kung siya talaga santa, mailibing namin ngayon, tapos bubuksan namin after 10 years or 20 years. If buo pa rin daw, either sa part niya. So himala talaga daw,” dagdag ni Robert.

Pero ayon sa simbahan, hindi ito madali.

“Sainthood is a long process of investigation. We look into her life. But you see, 'yung mother nila in the end maging saint, hindi man maging saint, it is only really for God to say that,” pahayag ni Msgr. Freddie Billanes, rector ng Immaculate Conception Metropolitan Cathedral.

Para sa caretaker ng sementeryo, may mga bangkay talagang matagal bago maagnas. Ang iba umano ay umaabot pa ng 30 taon.

Sinuportahan rin ito ng mga professional embalmer. Paliwanag nila, mabagal ang proseso ng pag-agnas ng bangkay kung walang nakakapasok na hangin o tubig sa kabaong.

Dahil sa abiso na rin ng simbahan, plano ng pamilyang ipalibing ang bangkay sa Sabado kasama ng namatay niyang anak. Umagang kay Ganda, 19 October 2018

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.