CBCP pinabulaanan ang 'holy alcohol' kontra coronavirus | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

CBCP pinabulaanan ang 'holy alcohol' kontra coronavirus

CBCP pinabulaanan ang 'holy alcohol' kontra coronavirus

ABS-CBN News

Clipboard

CBCP pinabulaanan ang 'holy alcohol' kontra coronavirus
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Pinabulaanan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang hinggil sa tinatawag na umano'y "holy alcohol" laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa pahayag ng CBCP, nag-anunsyo ang Archdiocese of San Fernando ukol sa kumakalat na isyu at tinatawag itong fake news.

Dagdag pa nila, hindi totoo na pinalitan ng alcohol ang holy water sa loob ng simbahan.

Una na kasing pinatanggal ng mga obispo ang mga holy water sa may entrada ng mga simbahan para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus pero hindi totoo, anila, na pinalitan ang holy water ng alcohol.

ADVERTISEMENT

Ayon pa ng simbahan, hindi rin totoo ang mga bagay tulad ng holy face mask, holy face shield, holy sanitizer, holy goggles at holy personal protective equipment (PPE) laban sa COVID-19.

Mayroon kasi mga tao na ginagawa ito bilang marketing strategy o gimik, dagdag nila. --Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.