KBYN: Ball python snake maaaring umabot sa higit isang milyon ang halaga | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Ball python snake maaaring umabot sa higit isang milyon ang halaga

KBYN: Ball python snake maaaring umabot sa higit isang milyon ang halaga

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kadikit umano ng ahas ay ang dala nitong kamalasan at pagtataksil ayon sa kasabihang Pinoy.

Pero para kina Rafael Reyes at Benedict Yujeco, sa ilang taon nilang pag-aalaga ng 'ball python,' isa itong malaking kabaligtaran.

"Ever since I started the snake hobby or slash business, so far hindi pa naman ako totally na down," kuwento ni Yujeco sa KBYN.

Ang ball python ay isang uri ng ahas na nagmula sa mga bansa sa Africa.

ADVERTISEMENT

Tanyag itong gawing pet snake dahil hindi ito agresibo at wala ring taglay na venom o lason.

"Kaya sila tinawag na ball python, lagi silang bumibilog. Mahiyain sila," pagpapakita ni Reyes ng isa sa kaniyang alagang ahas.

Taong 2018 nang magsimulang mahumaling sa mga ahas ang dating casino dealer at 30 taong gulang na si Reyes.

"Nagkaroon ng cancer 'yung mother ko. Nag-alaga kami ng superworms. 'Yung superworms, mainly dapat ipapakain ko lang sa manok kasi bawal kumain ang mommy ko ng may chemicals. Tapos eventually ayun bumigay siya. Naiwan sa akin 'yung mga superworms. Wala akong paglalagyan. So siguro sa sobrang depressed ko, na-stress, naghahanap ako ng aalagaan. Ang nakita ko ay leopard gecko," kuwento niya.

Mas lalong naging interesado si Reyes sa mga ball python dahil sa kakaibang mga kulay at patterns nito o kung tawagin ay 'morphs.'

ADVERTISEMENT

"Napunta ito sa breeding kasi noong sinabi namin nga na maraming kulay, hindi naman namin siya puwedeng bilhin lahat. So ang pinaka-way doon magbreed ka para makuha mo 'yung certain na kulay or certain na morph. So ang ginawa namin, kumuha kami ng iba-ibang kulay tapos imi-mix and match namin siya. Pinag-aralan namin ano kailangan," ani Reyes.

Sa ganitong aspeto rin nahumaling ang negosyanteng si Yujeco.

Nakagagawa kasi siya ng mga kakaibang uri ng morphs na madalas ay natatangi ang itsura sa Pilipinas.

Sa loob ng kaniyang bodega sa Marikina, nakapagpatayo na siya ng maliit na gusali para maging bahay ng kaniyang halos 400 ball python.

Aabot sa P5,000.00 ang pinakamababang presyo ng ball python dito sa Crediball Pythons ni Yujeco.

ADVERTISEMENT

Pero maaari ring umabot hanggang 1.2 million pesos ang halaga ng isa na personal na nahawakan ni Kabayan Noli de Castro.

Artistahin din ang ball python na ito dahil ito lang naman ang ahas na bitbit ng bagong Valentina na si Janella Salvador sa ABS-CBN hit teleserye na 'Darna.'

Kung ang sinasabi ng iba malas ang magkaroon ng ahas, patunay sina Reyes at Yujeco na may kakaibang tuklaw ng suwerte na hatid ang pag-aalaga nila ng ball pythons.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.