Presyo ng Noche Buena items inaasahang tataas - grupo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng Noche Buena items inaasahang tataas - grupo

Presyo ng Noche Buena items inaasahang tataas - grupo

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA— Inaasahang tataas nang 4 hanggang 8 porsiyento ang presyo ng Noche Buena items, ayon sa isang grupo ng mga supermarket sa bansa ilang linggo bago ang Kapaskuhan.

"Puwedeng magtaas nang 25 centavos up to around probably P2 for the big packs," ani Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua sa panayam sa TeleRadyo Huwebes.

"Kaya we need to plan what we need to buy para magkasya ang grocery basket natin sa pangangailangan ng pamilya."

Pinayagan ng Department of Trade and Industry ang mga manufacturer na magtaas ng presyo ng kanilang produktong pang-Noche Buena.

ADVERTISEMENT

Taong 2019 din nang huling magtaas-presyo ang mga Noche Buena item.

May ilang manufacturer na ng mga panimpla, canned tuna, pasta, biskwit, gatas at frozen meat ang nag-abiso ng dagdag-presyo ngayong Nobyembre.

Ani Cua, isa sa mga dahilan sa taas-presyo ay dahil sa gastusin ng mga manufacturer, tulad ng pagbabayad sa 13th month pay ng mga manggagawa.

Dagdag niya, mataas ang supply ng mga produkto dahil mababa ang demand.

Ito ang magiging ikalawang Kapaskuhan ng bansa sa ilalim ng pandemya. Mas marami naman nang mga negosyo ang nakakapagbukas dahil sa pagluwag ng quarantine restrictions bunsod ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.