Noche Buena products pinayagang magtaas-presyo ng DTI | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Noche Buena products pinayagang magtaas-presyo ng DTI

ABS-CBN News
Published Nov 03, 2021 04:50 PM PHT
|
Updated Nov 03, 2021 06:48 PM PHT

Puwede nang magtaas ng presyo ang mga manufacturer ng mga produktong pang-Noche Buena, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, hahayaang gumalaw ang presyo ng Noche Buena products dahil hindi naman kasali ang mga ito sa basic o prime commodities.

Taong 2019 din nang huling magtaas-presyo ang mga Noche Buena item.

"This year pipilitin natin ulit na subukan kung kaya nating mapakiusapan pa sila (manufacturers)," ani Castelo.
"This year pipilitin natin ulit na subukan kung kaya nating mapakiusapan pa sila (manufacturers)," ani Castelo.
ADVERTISEMENT
"Kung hindi natin sila makuha sa pakiusap, ang ipapakiusap natin, if ever na gagalaw sila or magtataas sila ng presyo, 'yong absolute minimum lang," dagdag niya.

May ilang manufacturer na umano ng mga panimpla, canned tuna, pasta, biskwit, gatas at frozen meat ang nag-abiso ng dagdag-presyo ngayong Nobyembre.

Isa sa mga dahilan kung bakit kailangang magtaas-presyo ay dahil sa gastusin ng mga manufacturer, tulad ng pagbabayad sa 13th month pay ng mga manggagawa, ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua.

Tiniyak naman ni Castelo na sa kabila ng serye ng mga taas-presyo sa petrolyo, nirerendahan pa rin nila ang mga hirit na dagdag-presyo sa basic goods o mga pangunahing bilihin.

"Nasa atin na rin 'yong mga request. Tinitingnan na natin, nag-umpisa na tayo mag-compute nito, pero wala pang instruction kung kailan gagalaw, kung this year ba o next year, hindi pa natin alam," ani Castelo.

Samantala, nagtaas-presyo na rin ang Excelente Ham — isang dinadayong brand ng hamon sa Quiapo, Maynila — dahil umano sa pagmahal ng baboy at mga sangkap sa paggawa ng hamon.

Pinaghahandaan ng naturang tindahan ang pagdagsa ng sangkaterbang kostumer pagdating ng Disyembre.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Noche Buena
Noche Buena products
prices
market prices
Department of Trade and Industry
grocery
Philippine Amalgamated Supermarkets Association
Excelente Ham
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT