ALAMIN: Ano ang pinagkaiba ng merger at joint venture? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang pinagkaiba ng merger at joint venture?

ALAMIN: Ano ang pinagkaiba ng merger at joint venture?

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 18, 2022 02:16 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ano ang pinagkaiba ng merger, acquisition, at joint venture?

Ayon kay Atty. Jay Layug, dean ng University of Makati School of Law, ang merger ay pagsanib-pwersa ng dalawang kompanya, habang ang joint venture ay ang pagkakasundo ng mga kompanya sa mga aktibidad na kanilang gagawin.

Ang acquisition naman ay ang pagbili ng isang kompanya, ayon kay Atty. Domingo Cayosa, na isang corporate lawyer at immediate past president ng Integrated Bar of the Philippines.

Saad ni Layug, ang joint venture ng TV5 at ABS-CBN ay pasok sa Philippine Competition Act, at hindi ito lumalabag sa batas dahil ordinariyo lang ito sa mga negosyo.

ADVERTISEMENT

Sa nangyaring joint venture, bumili lamang ng share ang ABS-CBN sa TV5, kaya walang nakikitang paglabag na ginawa ang ABS-CBN sa hakbang na ito, kahit wala itong franchise.

Ayon kay Cayosa, wala ring nilabag ang TV5 sapagkat sila pa pa din ang magpapatakbo ng istasyon at ABS-CBN lang ang magbibigay ng content o mga programa.

Aniya, hindi pwedeng basta-basta kanselahin ng Kongreso ang franchise ng TV5 dahil ang trabaho lang ng Kongreso ay magbigay ng prangkisa.

Sabi ni Cayosa, isang miyembro lamang at hindi ang buong Kongreso ang nagsasabi na may paglabag ang TV5 at ABS-CBN sa ginawang joint venture.

Kamakailan, ang nag-back out na senatorial candidate na si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ay nagsalita laban sa joint venture ng ABS-CBN at TV5.

Si Marcoleta ang isa sa mga kumontrang mabigyan ng franchise ang ABS-CBN noong 2020 para sa free TV at radio broadcast ng istasyon.—SRO, TeleRadyo, Agosto 17, 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.