Taniman sa bakuran noon, 'PH Grape Capital' ngayon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Taniman sa bakuran noon, 'PH Grape Capital' ngayon

ABS-CBN News
Published Aug 15, 2018 01:25 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sinimulang taniman ng ubas sa bakuran, Grape Capital of the Philippines na ngayon. Ito ang grape farm business sa La Union ni Avelino Lomboy na apat na dekada nang namamayagpag sa Pilipinas.

Nagmula si Avelino sa pamilya ng mga magsasaka kaya ramdam niya ang hirap ng trabahong ito.

Nang magkaroon ng sariling pamilya, naisipan niyang simulan ang pagtatanim ng ubas sa kanilang lugar sa Bauang.

Dahil gusto niyang makilala ang bansa sa pagtatanim ng prutas na ito, dalawang taon siyang nag-research at dumaan sa trial at error hanggang sa makuha niya ang tamang formula sa pagpapatubo nito.

Gaya ng ibang negosyo, dumaan rin si Avelino sa mga pagsubok nang magsimulang mag-import ang Pilipinas ng mga prutas sa ibang bansa. Dahil dito, pinasok niya ang intercropping ng mga prutas gaya ng kalamansi at mangga.

Sa pagtitiwala ni Avelino na may potensiyal ang Pilipinas sa industriya ng pag-uubas, kinilala siya bilang 'Grape King of the Philippines.'

Naging bahagi ng agri-tourism ng probinsiya ng La Union ang Lomboy Farms na kung saan isa sa mga atraksiyon ay ang pagpitas ng prutas sa pamamagitan ng kanilang 'Pick and Pay.'

Sa pagdaan ng panahon, unti-unti na rin silang nag-expand. Bukod sa kanilang vineyard, mayroon na rin silang bed and breakfast na pinamamahalaan naman ng kanyang anak na si Gracia.

Noong nakaraang linggo, yumao na si Avelino. Sa kabila ng kanyang pagpanaw, hindi naman matatawaran ang kanyang kontribusyon sa industriya ng agrikultura. Sa pamamagitan naman ng kanyang pamilya, mananatiling buhay ang kanyang pamana para sa bansa.

Read More:
My Puhunan
Karen Davila
La Union
grapes
ubas
negosyo
Business
kabuhayan
Grape Capital of the Philippines
Avelino Lomboy
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT