Presyo ng karneng baboy, manok bumaba na sa ilang palengke | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng karneng baboy, manok bumaba na sa ilang palengke

Presyo ng karneng baboy, manok bumaba na sa ilang palengke

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Bumaba na ang presyo ng karneng baboy ngayong Miyerkoles.

Sa Marikina Public Market, pumapalo na lamang sa P270 hanggang P275 ang kada kilo ng laman, pork chop at kasim na dating nasa P340 ang kada kilo noong mga nakaraang linggo.

Kung may P280 ang kada kilo, bihira na lamang umano ang may ganitong presyuhan, lalo't pababaan na ng presyo ang mga nagtitinda.

Ang liempo nasa P300 ang pinakamababa na dati nasa P360 pataas ang kada kilo.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mga nagtitinda, ang maraming supply ng baboy ang dahilan ng pagbaba ng presyo.

Nakatulong din umano ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

Maging ang presyo ng manok bumaba rin, na dating P180 ang kada kilo ng buong manok at nasa P160 na lang ngayon.

Halos linggo-linggo umano bumaba nang P50 kada kilo ang presyo ng manok.

Pero ayon sa mga nagtitinda, posibleng tumaas na naman ito pagpasok ng "ber" months.

ADVERTISEMENT

Kung bumaba ang presyo ng manok at baboy, may bahagyang paggalaw sa presyo ng karneng baka.

Nasa P400 na ang kada kilo ng laman habang P350 ang buto-buto.

Nananatili namang mataas ang presyo ng itlog. Ang small nasa P200 na ang kada tray, habang P215 ang tray ng medium at P220 ang large.

Apektado rin ang presyo ng itlog na maalat na nasa P13 na ang piraso na dating P12 lang.

Ang balut mula sa P11 ngayong P15 na ang kada piraso.

ADVERTISEMENT

Mula Batangas ang mga itlog na sinu-supply sa Marikina Public Market. Kulang ayon sa mga nagtitinda ang supply ng itlog kaya tumataas ang presyo.

Ayaw na munang magkomento ng ilang nagtitinda ng karneng baboy sa panukala ng Department of Agriculture na maglagay ng suggested retail price sa ilang agricultural products.

Kasama sa mga planong lagyan ng SRP ang karneng baboy, asukal at sibuyas. – Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.