ARTA, bumuo ng task force na tututok sa pagpapatayo ng cell towers sa bansa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ARTA, bumuo ng task force na tututok sa pagpapatayo ng cell towers sa bansa

ARTA, bumuo ng task force na tututok sa pagpapatayo ng cell towers sa bansa

ABS-CBN News

Clipboard

ARTA, bumuo ng task force na tututok sa pagpapatayo ng cell towers sa bansa
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Bumuo ng special task force ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) para tukuyin ang priority areas na pagtatayuan ng cell towers sa bansa.

Ito'y para rin matiyak na masusunod ng mga telco company at ng local government units ang pagpapatupad ng "streamlined permitting processes" para rito.

Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, nakatakda silang makipagpulong sa mga telco at tower companies sa susunod na linggo.

“Alin ba diyan priority areas kasi meron kaming datos from DICT (Department of Information and Communications Technology) na map out nila. Sila yung may mga projects, we would be speaking with them, unahin muna natin yung mga critical areas na dapat natin tayuan,” pahayag ni Belgica.

ADVERTISEMENT

Kasunod ito ng mga reklamo ng mga telcos na nahihirapan silang kumuha ng mga permit sa LGUs dahil sa dami ng requirements.

Sabi pa ni Belgica, binawasan na ang mga kinakailangang dokumento at maging ang pagkuha ng mga permits sa nilagdaan nilang Joint Memorandum Circular nitong nakaraang linggo, kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno, kabilang na ang Department of Interior and Local Government.

Dagdag ni Belgica, magpupulong din sila kasama ang league of municipalities, cities at provinces para mas maipaliwanag sa kanila ang nilalaman ng circular.

“Hindi lang obligasyon ito ng private kung’di tayo sa ground at national we really have to make this work. Kailangang pabilisin yan,” sabi niya.”

Ayon kay Belgica, nabawasan na ang mga kailangang kunin na documentary requirements mula sa 86 naging 35 na lamang ito. Ang permits na dating 13, ngayon ay 8 na lamang. Maging ang processing time na dati ay inaabot ng 8 buwan ay ginawa nang 16 na araw na lamang.

Kinakailangan aniya ng bansa ang karagdagang 50,000 towers para maging competitive.

“By December, if ‘di man natin maitayo yung 50,000 at least matumpok natin yung mga pinpoints na kailangan ng maraming towers,” sabi niya.

Headline Pilipinas 31 Hulyo 2020

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.