Ilang mga lugawan apektado na ng pagtaas ng presyo ng bigas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang mga lugawan apektado na ng pagtaas ng presyo ng bigas

Ilang mga lugawan apektado na ng pagtaas ng presyo ng bigas

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Mayroong mga nagtaas pero meron din namang pinanatili na muna ang presyo ng kanilang itinitindang lugaw sa kabila ng pag-angat ng presyo ng bigas sa mga palengke.

Sa Quezon City, isa sa may lugawan si Zaldy Pacaldo, na apat na kilo ng ordinaryong bigas na hinahaluan ng malagkit na bigas ang niluluto araw-araw para sa inilalako niyang lugaw.

Noong nakaraang linggo lang, nagtaas siya ng P2 kada order ng plain lugaw. Dati, P40 kada kilo lang ang bili niya sa bigas, pero ngayon, P45 na ang presyo nito.

Iba naman ang sitwasyon sa lugawan ni Marianne Lalu na gumagamit ng 20 kilo ng ordinaryong bigas kada araw. Para sa kaniya, hindi pa napapanahong taasan ang presyo ng kaniyang lugaw.

ADVERTISEMENT

" ’Yung iba po nagrereklamo kasi wala ring trabaho. ’Yung iba mahal din po lahat ng bilihin kulang sa pasweldo din po," ani Lalu.

Bukod sa bigas, nagmahal na ang mga ginagamit sa mga lugawan, kagaya ng gasul, itlog, mantika at karne kaya taasan man o hindi ang presyo ng lugaw, sasapat lang talaga ang kanilang kita.

Minsan pa nga ay kulang pa.

Kung sila daw ang tatanungin ayaw talaga nilang itaas ang presyo ng kanilang ibinebentang lugaw upang patuloy silang tangkilikin ng kanilang mga kostumer.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.