Pangakong P20/kilo ng bigas sa 2023 malabo: PhilConGrains | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pangakong P20/kilo ng bigas sa 2023 malabo: PhilConGrains

Pangakong P20/kilo ng bigas sa 2023 malabo: PhilConGrains

ABS-CBN News

Clipboard

A rice stall at the Pasig City Mega Market on July 5, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File
A rice stall at the Pasig City Mega Market on July 5, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File

MAYNILA—Hindi pa posible na maipababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo sa 2023, ayon sa isang grupo.

"Malabo po siguro 'yang 2023 na 'yan kasi kung titingnan niyo po buong mundo po ngayon nagkakaproblema tayo sa mga pataba o mga fertilizer. Nagiging doble o triple na po presyo," ani Philippine Confederation of Grains Association president Joji Co sa panayam sa TeleRadyo.

Nagkakaroon din umano ng kakulangan ng supply sa pataba dahil sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sinabi ni dating Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz na puwedeng ibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas sa 2023 sa pamamagitan ng "mega farm".

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Co, maraming magsasaka ang wala nang ganang magtanim dahil lugi at dahil na rin sa patuloy na importasyon.

Matagal na rin umanong napabayaan at napag-iwanan ang grains industry sa bansa sa kabila ng pagpapalit-palit ng administrasyon.

"Natatakot ang mga rice mills na mag-invest ng malaking pera sa kalagitnaan ng administrasyon kung babaguhin ang polisiya," ani Co.

Nitong Huwebes, tumaas nang P3 ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Ayon sa mga nagtitinda, may patong na P10 hanggang P30 ang bawat kaban ng mga biyahero dahil nagtaas umano ang farm gate price ng mga magsasaka.

Ramdam na rin ang epekto ng sunod-sunod na oil price hike noong mga nakaraang linggo.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.