Presyo ng bigas tumaas nang P3 sa ilang palengke sa Metro Manila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng bigas tumaas nang P3 sa ilang palengke sa Metro Manila

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Jul 14, 2022 03:35 PM PHT
|
Updated Jul 14, 2022 07:16 PM PHT

MAYNILA — Tumaas nang P3 ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila, base sa pag-iikot ngayong Huwebes.

Ayon sa mga nagtitinda, may patong na P10 hanggang P30 ang bawat kaban ng mga biyahero dahil nagtaas umano ang farm gate price ng mga magsasaka.

Ramdam na rin ang epekto ng sunod-sunod na oil price hike noong mga nakaraang linggo.

Naglalaro sa P38 hanggang P40 ang kada kilo ng regular milled na bigas, P42 sa well milled, habang P46 hanggang P50 naman sa premium o special na bigas.

ADVERTISEMENT
Sa puwesto ni Javier Villena sa Kamuning Market sa Quezon City, P35 ang pinakamurang klase ng bigas, na dati pang stock bago magtaas ng presyo ang kaniyang supplier.

“Nakakaya pa naming i-handle. Nagpapalit kami ng kita. Ang laban po ngayon ay maraming magbibigas. Kakaunti ang mamimili,” ani Villena.

Sa report ng United States Department of Agriculture, inaasahang papalo sa 3.1 million metric tons ang aangkating bigas ng Pilipinas para sa 2022 at 2023, mas mataas ng 100,000 metric tons sa nauna nitong projection.

Nakasaad sa report na kahit tumaas ang produksyon ng bigas sa bansa, inaasahan naman tataas pa ang global consumption, kasama ang Pilipinas.

Kaya madadagdagan ang demand sa bansa ng bigas na aangkatin mula Vietnam.
Kaya madadagdagan ang demand sa bansa ng bigas na aangkatin mula Vietnam.
ADVERTISEMENT
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba ng 20,000 metric ang produksiyon ng bigas noong Enero hanggang Marso ngayong taon kompara noong 2021.

Tumaas naman ito ng 60,000 metric tons noong Abril hanggang Hunyo.

Para sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), nasa 2.7 million metric tons lang ang dapat iangkat na bigas base sa produksyon at pangangailangan sa bansa.

“’Yong increase ng ani, wala pa kaming makitang significant up to this year. Almost same pa rin as last year ang aanihin natin kaya may pagkukulang pa rin ang production dito sa ating bansa,” ani SINAG Chairman Rosendo So.

Ayon pa kay So, nasa 14 hanggang 15 percent ng pangangailangan ng bigas sa bansa ang kailangan pa ring punan ng importasyon.

“Nakikita natin lumaki ang import. Ang administration kasi is towards importation. Ngayon pa lang ang ating presidente nang-eengganyo ng local produce pero hindi natin makita up to end of the year ma-achieve kaagad,” dagdag ni So.

Patuloy pa rin namang binubusisi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang nagsisilbi ring kalihim ng Department of Agriculture, ang reassessment sa Rice Tariffication Law na nagtanggal sa limitasyon ng rice imports.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
agrikultura
bigas
Price Patrol
Kamuning Market
Quezon City
Department of Agriculture
rice import
rice tariffication
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT