Mga provincial bus company tigil-biyahe na dahil sa oil-price hike | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga provincial bus company tigil-biyahe na dahil sa oil-price hike

Mga provincial bus company tigil-biyahe na dahil sa oil-price hike

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Takot ang nararamdaman ng ilang provincial bus workers dahil marami sa kanila ang nawalan na ng trabaho gawa ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Isa sa kanila ay ang konduktor ng biyaheng Cavite na si John Christopher Curabo.

"Natatakot din ako dahil ’yan lang po ang trabaho ko. Wala naman pong iba eh, diyan lang ako kumukuha ng pangkain sa bahay ... Kung sakali po matigil ’yung pasada namin mangingisda na lang po ako. Wala naman eh, no choice e ... Naliit na po kita namin eh P500 ang minimum namin a day, ngayon P600. Nababawasan pa, kaltas ng SSS. Magkano rin ’yun, dalang-daan minsan ang natitira," aniya.

Ayon naman sa sa driver na si Bobby Morita, hindi malayong tumigil sila pamamasada lalo na kapag pumalo sa P100 ang presyo ng diesel.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Provincial Bus Operators Association of the Philippines, 20 hanggang 30 porsyento na lamang ng provincial bus ang bumibiyahe ngayon dahil sa oil price hike at nasa 26,000 na provincial bus workers ang nawalan ng trabaho dahil dito.

Maaaring dumami pa ito kapag nagtuloy-tuloy pa ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.