Presyo ng tinapay tumaas sa ilang bakery | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng tinapay tumaas sa ilang bakery

ABS-CBN News
Published Jun 23, 2022 07:32 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Napilitan nang magtaas ng presyo ang ilang bakery dahil sa patuloy din na pagtaas ng presyo ng mga sangkap sa pagawa ng tinapay gaya ng harina at ang asukal.

Ang ilang bakery nagtaas ng 50 sentimos sa pandesal habang P1 naman sa ilang klase ng tinapay.

Ayon sa panaderong si Junie Erlano, hindi na nila kakayanin kung hindi magtataas ng presyo ng tinapay dahil lahat ng sangkap sa paggawa nito tumaas ang presyo.

Ayaw naman nilang liitan ang size at babaan ang timbang ng tinapay dahil magrereklamo ang kanilang mga suki.

ADVERTISEMENT
Ayon sa presidente ng Panaderong Pilipino na si Chito Chavez, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga sangkap – lalo na ng harina at asukal – ang isa sa mga dahilan kung bakit nagtaas ng presyo ang mga panadero.

Bukod sa hidwaan ng Russia at Ukraine, isa rin umano sa rason kung bakit tumaas ang presyo ng harina at asukal maging iba pang mga sangkap ang pagbulusok ng palitan ng piso sa dolyar.

"Magkano ang dollar ngayon kaysa nung dati? Tingnan mo kaya yung dollar minu-monitor ko. Habang ako nagmu-monitor ng dollar, kinakabahan na ako plus the fact that there is international crisis, pandemic, and Russia and Ukraine war. Ito'y mga threat sa ating mga presyuhan nag mga raw materials, all ingredients in baking were able to increase, lahat tumaas," ani Chavez.

Sa ilang community bakery, ayon kay Chavez, nasa P3 habang P4 na ang presyo ng pandesal.

May ilan na P2.50 pa ang kada piraso pero mas maliit daw ito.
May ilan na P2.50 pa ang kada piraso pero mas maliit daw ito.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Chavez, hindi niya inirekomenda sa mga katulad niyang nagtitinda ng pandesal na liitan ang size nito.

Nanawagan din si Chavez na huwag gawing basehan ng mga mamimili ang presyo ng Pinoy tasty at Pinoy pandesal.

Nasa P23.50 ang presyo ng 10 pirasong Pinoy pandesal, habang nasa P38.50 naman ang presyo ng Pinoy tasty.

Una nang hinirit lalo na ng mga community bakers na dagdagan ang presyo ng mga ito ng P4 pero nakiusap ang DTI na huwag na ipagpaliban na muna ito.

Bahagi ng corporate social responsibility ng mga may bakery ang paggawa ng Pinoy tasty at Pinoy pandesal, kaya ayon kay Chavez wala ritong kinikita ang mga gumagawa nito.

Dahil mababa ang presyo, hirap din umano ang mga community baker na habulin ang presyo nito kaya humingi sila ng umento.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News