Presyo ng ilang gulay tumaas kasabay ng oil-price hike | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng ilang gulay tumaas kasabay ng oil-price hike

ABS-CBN News
Published Jun 14, 2022 06:52 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Kasabay ng oil-price hike, tumalon din ang presyo ng ilang gulay sa ilang palengke sa Metro Manila.

Sa Libertad Market sa Pasay, ang cauliflower ay nasa P150 na ang presyo kada kilo mula P80, habang tumaas din ang lokal na sibuyas sa P85 at imported na sibuyas sa P90.

Ang patatas ay nasa P70 ang bentahan mula sa P50. Mula naman P70, ang kangkong ay pumalo na sa P90.

Bukod pa diyan, ang sili ay naglalaro na sa P150 hanggang P160 kada kilo mula P70 hanggang P80.

ADVERTISEMENT
Ayon sa tindera na si Jen Claro, inaangkat pa ang kanilang mga gulay mula sa Nueva Ecija. Nang dahil sa pagtaas ng produktong petrolyo, tumaas din ang presyo ng mga gulay na kanilang ibinebenta.

"Nu’ng dati, nu’ng hindi pa ganu’n kataas ang gas, di naman umaabot ng ganu’n kagaya nu’ng kalabasa. Dati kasi ’yung kalabasa P12, ngayon di na siya bumababa sa ganun eh. Ngayon nagfi-fix na siya ng P25 to P30," aniya.

Kung dati P1,000 lang ang binabayad nila para sa transportasyon ng mga gulay noon, ngayon nasa P1,300 na ito.

Dagdag pa niya, tumataas din ang presyo ng gulay tuwing Biyernes, Sabado at Linggo dahil kaunti lang ang nag-aani ng mga ito.

Wala namang paggalaw sa presyo ang ibang gulay kagaya ng ampalaya na nasa P100 kada kilo, sitaw na nasa P150 kada kilo, at okra na nananatiling nasa P70 kada kilo. —Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News