NTC nagbabala laban sa mga pekeng alok ng trabaho | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NTC nagbabala laban sa mga pekeng alok ng trabaho

ABS-CBN News
Published May 31, 2022 09:14 AM PHT
|
Updated May 31, 2022 09:51 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA – Nagbabala ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa mga text messages na umano’y nag-aalok ng trabaho pero scam naman pala.

Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarrios, delikado ang pag-click sa mga link na galing sa mga kaduda-dudang text messages.

“Yung sinasabi nating wag kayong pumasok sa isang link, delikado po ‘yon. Pagpasok niyo doon, kundi sila manghihingi ng personal information, na kadalasan hinihingi, eh makokopya yung mga information doon sa ating devices,” aniya.

Ayon sa opisyal, medyo mahirap hulihin ang mga nagpapadala ng scam text messages.
Ayon sa opisyal, medyo mahirap hulihin ang mga nagpapadala ng scam text messages.
ADVERTISEMENT
“’Yang mga yan, kung dumaan sa telco facilities dyan, eh prepaid numbers po yan eh. Pagka prepaid number, eh hindi po rehistrado yan. At mahihirapan po yung ating law enforcement agencies na matrack sila kung saan sila, kung sino sila kasi walang identity eh. Wala kang pagsisimulan ng imbestigasyon.”

“Yung pangalawang pinanggagalingan niyan ay yung mga text blasting machine na standalone. Yung hindi dumadaan ng telco facility na nagbubuga yan ng messages at mare-receive po ng mga cellphones within 200m to 2km at yan is palipat-lipat po yan eh. So highly mobile din yan, so yung pagta-track niyan, mahirap din,” paliwanag ng opisyal.

Ani Cabarrios, mainam kung hindi na papatulan o sasagutin pa ang text.

“Pagka naka-receive tayo niyan, block the number, tapos delete the message, and kung pwede ireport po doon sa CICC, Cybercrime Investigation Coordinating Center.”

Ang CICC, ani Cabarrios, ang sangay opisina na naatasang mag-imbestiga ng mga pinagmumulan ng mga kahina-hinalang text messages at iba pang krimen na isinasagawa online.

--TeleRadyo, 31 May 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT